Japanese firm panalo sa bidding ng E-Trike project sa Pilipinas
Kinumpirma ng Uzushio Electric na sila ang nanalo sa bidding ng 3,000 units ng E-Trike sa Pilipinas para palitan ang tradisyonal na tricycle at madagdagan ang kita ng mga drayber at mabawasan ang polusyon sa bansa.
Ayon sa pahayag ng Uzushio Electric na naka-base sa Imabari City, Ehime Prefecture, natanggap nila ang abiso na nagsasabi na sila ang nanalong bidder para sa E-Trike Project ng Department of Energy (DOE) at Asian Development Bank (ADB) sa contract price na $30,747,000.
“Bidding guidelines for the 3,000 E-Trike Plan were announced in February, 2015 and we participated in the bid that was carried out in May. Four other companies also participated in the bid, which was followed by a technical review and we were the only company that reached the opening of the bidding price which was conducted in August. As a result, we obtained negotiating rights and further negotiated price with the DOE and the ADB and then received official notification of our successful bid,” saad ng Japanese firm.
Inaasahang matatapos ang 1,200 units sa susunod na tatlong buwan habang ang natitirang 1,800 units ay maaaring matapos hanggang Agosto. Nakatakdang i-deliver ang mga ito ng Bemac Electric Transportation Philippines, Inc., ang subsidiary ng Uzushio na may operasyon sa Pilipinas, ngayong taon.
Dadalhin ang mga E-Trikes sa mga local government units (LGUs) at gagamitin ng mga drayber sa pamamagitan ng lease to own arrangements kung saan araw-araw silang magbabayad ng boundary sa mga LGUs.
Plano rin ng DOE na palitan ang 17,000 tricycles ng E-Trikes sa mga susunod na taon.
Ang Uzushio Electric ang nangungunang large ship outfitter sa Japan na gumagawa ng electric at communications equipment.
Sa kasalukuyan ay may mahigit sa 3.5 milyong tricycle ang pumapasada sa Pilipinas na isa sa pangunahing dahilan ng polusyon sa bansa. Dahil dito, inanunsyo ng pamahalaan ang isang proyekto kung saan papalitan ng 100,000 E-Trikes ang mga tradisyonal na tricycle sa bansa para mapabuti ang kapaligiran.